Pamantayan sa seksuwalidad

Ang kaasalang pampagtatalik (Ingles: sexual norm, norm on sexuality) o pamantayang kaasalan na pampagtatalik ay isang maaaring tumukoy sa isang kaasalang pansarili (personal o pansariling buhay) o panlipunan. Karamihan sa mga kultura ay mayroong mga kaasalang panlipunan hinggil sa seksuwalidad, at naglalarawan ng "normal na seksuwalidad" bilang binubuo lamang ng ilang partikular na mga gawaing pampagtatalik sa pagitan ng mga indibidwal na nakaabot sa partikular na pamantayan ng edad, kadugo o kamag-anak (iyon may kaugnayan sa pakikiapid sa kamaganak), lahi/lipi o etnisidad (iyong may kaugnayan sa misehenasyon), at/o gampaning panlipunan at katayuang sosyo-ekonomiko.

Sa karamihan ng mga lipunan, ang katagang "normal" (kanormalan, pagkanormal) ay naglalarawan ng isang kasakupan o kasaklawan ng mga pag-uugali o kaasalan. Sa halip na ang bawat isang kilos o galaw ay ang pagiging inuuring payak na "katanggap-tanggap" o "hindi katanggap-tanggap", maraming mga galaw ang tinatanaw bilang "humigit-kumulang na katanggap-tanggap" ng iba't ibang mga tao, at ang opinyon hinggil sa kung gaano kanormal o gaano katanggap-tanggap ay malakihang nakabatay sa indibidwal na gumagawa ng opinyon pati na sa kultura rin. Batay sa impormasyong nakuha mula sa mga pag-aaral na pangseksolohiya, ang buhay na pampagtatalik ng mayroong malaking bilang ng maraming mga taong pangkaraniwan, sa pribadong mga pagkakataon, ay napaka madalas na talagang naiiba kung ihahambing sa mga tanyag na mga paniniwala hinggil sa "normal".

Kung isasaalang-alang bilang positibo ang mga kaasalang pampagtatalik na walang pagbabawal o walang paghihigpit, maaaring tawagin ang mga ito bilang "kalayaan seksuwal", "rebolusyong seksuwal" ("liberasyong seksuwal") o "malayang pag-ibig ("malayang pagmamahal"). Kapag itinuring ang mga ito bilang negatibo, maaaring tawagin ang mga ito bilang "lisensiyang seksuwal" o "kalisensiyahan" (licentiousness sa Ingles). Ang kaasalang panlipunan na mayroong paghihigpit, kapag hinatulan bilang negatibo, ay tinatawag na "opresyong seksuwal" o "seksuwal na pang-aapi". Kapag ang mga kaasalang estrikto o mahigpit (may restriksiyon) ay hinusgahan bilang positibo, maaaring isaalang-alang ang mga ito bilang humihikayat ng kawagasan, "seksuwal na pagpipigil ng sarili", o "katimtimang seksuwal" ("pamimitagang seksuwal"), at mga katagang negatibo ay ginagamit para sa seksuwalidad na may pinupukol o may pinupuntirya, katulad halimbawa na ng "abusong seksuwal" at "perbersiyon" (kahindutan, panghihindot).


© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search